Lesson 1 – The Staff, Clefs and Ledger Lines

staff

Ang Stafflimguhit sa tagalog ay pundasyon ng music kung saan doon nakasulat ang mga nota at iba pang mga simbulo ng musika.

staff with numbers

Ang Staff ay binubuo ng limang guhit at apat na espasyo (space).

staff with equivalent key on keyboard

Ang bawat linya at espasyo ng Staff ay katumbas sya ng mga puting tiklada (keys) sa keyboard o piano.

 

clefs

Ang mga Clefs naman ang siyang magbibigay ng pangalan sa mga nota sa staff.

clefs with names

Ang dalawang Clefs na madalas ginagamit ngayon ay ang Treble at Bass Clefs.

g clef

Unahin nating talakayin ang Treble Clef o tinatawag na G Clef.

g clef with a note of g

Ang ikalawang guhit sa Staff na nakapalibot sa Clef ay tinatawag na notang G. Ibig sabihin, lahat ng notang nakalapat sa ikalawang guhit ng staff ay notang G.

g clef with a note of a

Ang nota naman na sumunod sa G sa ikalawang espasyo ng Staff ay tinatawag na A. Tandaan, walang notang “H” sa music.

g clef with a note of b

Pagkatapos ng notang A ay notang B na nasa ikatlong linya ng staff.

g clef whole steps

At tuloy-tuloy na sya hanggang matapos.

ledger line

Kapag lumagpas na ang mga nota sa staff, nagkakaroon tayo ng “extension.” Gagamit tayo ng ledger line. Ang Ledger Lineay ang mga maliliit na mga linya na sinusulat sa labas ng Staff.

ledger line with a note of a

Ngayon, maaari na natin siyang tawaging A.

f clef

Susunod, atin namang talakayin ang Bass Clef o tinatawag na F Clef.

f clef with a note of f

Ang nota ng F ay nakalagay sa ikaapat na linya ng staff.

f clef whole steps

Ngayon, pwede na nating kumpletuhin ang mga nota sa Staff.

grand staff

Huli, ating talakayin ang Grand Staff, na kung saan mayroong labing-isang linya.

two staffs

Kapag aalisin natin ang gitnang guhit, magkakaroon tayo ng dalawang hiwalay na staff.

two staffs with clefs

Kapag dinagdag pa natin ang mga clefs, G clef sa itaas na staff at F clef naman sa ibaba, makikita na natin ang relasyon ng dalawang staffs na ito.

middle c

Pansining maiigi kung paano pinag-isa ang dalawang clefs na ito sa pamamagitan ng notang C. Ang notang C na nasa gitna ay tinatawag na “middle C” dahil siya ang tulay at gitna ng dalawang staffs.