Lesson 2 – Note Duration

type of notes

Ang haba ng pagtugtog ng nota ay tinatawag na Note Duration, na maaaring matukoy sa pamamagitan ng mga iba’t-ibang itsura ng nota.

whole note

Ang Whole Note na siyang may pinakamahabang note duration.

half note

Ang Half Note naman ay kalahati ng halaga ng whole note.

two half notes

Dalawang Half Notes ay katumbas ng haba ng isang whole note.

quarter note

Ang Quarter Note naman ang kalahati ng halaga ng isang half note.

four quarter notes

Apat na Quarter Notes ay katumbas ng haba ng isang whole note. At dalawang Quarter Notes naman ang halaga ng isang half note.

flag

Ang mga nota na mas maiksi pa ang duration sa quarter note ay magkakaroon ng Flags. Bawat Flag ay magkakalahati ng value ng nota.

eighth note

Ang Eighth Note ay may isang flag.

two eighth notes

Ang dalawang Eighth Notes ay katumbas ng isang quarter note.

sixteenth note

Ang Sixteenth Note naman ay may dalawang flags.

two sixteenth notes

Dalawang Sixteenth Notes ay katumbas ng isang eighth note.

four sixteenth notes.png

Apat na Sixteenth Notes ay katumbas ng isang quarter note.

other type of notes.png

Mayroon pang mga notang may mas maraming Flags sa nota. Pero ito’y kalimitan nang ginagamit.

summary.png

Ito ang buod sa aralin na ito.